Kamusta ka? Saan ka galing? Ano na “work” mo ngayon? (pa-sosyal pa yung iba, “work”) Ilan lang yan sa mga karaniwang bati/tanong ng mga Pinoy pag me nakikita silang kakilala o kaya kaibigan na matagal nang hindi nakikita. Baduy nga naman kung ang itatanong mo, Masaya ka ba? Wala pa ko kahit isang kakilala na nagtanong ng ganun, ewan ko kung bakit basta ang alam ko hindi tinatanong yun.Pero dito sa blog na ‘to. Pwede itanong yun. Masaya ka ba? Paano ba maging Masaya? Heto ang ilan pang mga kakaibang tips na nakuha ko. Tingnan mo kung ginagawa mo ang ilan sa mga ‘to.
5. Bigyan ang taong mahal mo ng pinakamimithing regalo (from Anonymous). Totoo ang kasabihan na “it is better to give than to receive”. Iba yung saya na makita mong nakapagpasaya ka ng ibang tao lalo pa kung ang pinasasaya mo ay mahal mo sa buhay. Di kayang bayaran yun ng kahit na magkano. Kaya nga tuwing Pasko, kahit na maubos ang bonus at 13th month pay, ok lang, mabigyan lang ng regalo ang mahal mo.
6. Maglaro (from Anonymous). Nung bata tayo ito ang madalas nating gawin pero habang tumatanda, masyado tayong nagiging seryoso at nakakalimutan na nating maglaro. Di lang naman pambata ang paglalaro, kahit sa matanda pwede ‘to. Natatandaan ko mahilig kami maglaro ng Charades ng mga college friends ko noon. Ngayon madalang na kasi nga mga graduate na kami pero hindi pa rin nawawala ang laro sa amin. Yan ang dapat hindi natin nakakalimutan gawin, ang maglaro, maglibang. Pwedeng beach volleyball, badminton, pitik-bulag o kahit na ano pang maisip mo. Ang importante, di mawala ang laro sa buhay mo.
7. Mag-Videoke kahit na pa sintunado ka (from Jun). Eto ang pinakasikat gawin ngayon ng mga Pinoy, ang mag-videoke. Siguro bawat isang Pinoy naniniwala na pwede rin silang maging Martin Nievera o Regine Velasquez kahit na pa sa totoo lang ang boses nila ay parang kinakatay na kwago. Ayos lang yun. Walang masama dun. Di naman tayo kumakanta para magpasikat kundi para masiyahan. Ang pagkanta kasi ay isang form of expression, samahan pa ng kantyawan ang umaatikabong biritan. Ayos! Ang saya.
8. Mangarap at maniwalang makakamit mo ito (from Mario). Lahat ng taong nagtagumpay, nagsimula sa pangangarap. Sabi nila libre ang mangarap kaya lubos lubusin mo na. Ako, yan ang madalas kong gawin at dahil wala itong limitasyon, pwede mong pangarapin lahat ng bagay na ikasasaya mo. Pag nagsimula mong isipin ang isang bagay, mapapansin mo unti-unti itong nangyayari. Yan ang tinatawag nilang Law of Attraction. Alam yan ng lahat ng matagumpay na tao sa mundo at sigurado ako, lahat sila masaya.
Meron ka rin bang mga kakaibang tips para sumaya? Wag mong sarilinin, share mo sa amin. Pasayahin natin ang mundo:)
Let me know your thoughts.
2 comments:
mag jumpin jack
hahaha!
@ALiNE - haha.. ayos!
Post a Comment