Sa dinami dami ng mga librong nasulat tungkol sa “Happiness”, konting konti lang ang nakita ko na Tagalog. Inisip ko, baka naman dahil nga international language ang English kaya mas maraming nagsusulat sa English. Siyempre mas maraming nakakaintindi, mas maraming bibili, mas maraming kikitain ang author ng libro, ang resulta, mas masaya ang author. Ayos! Pero balik sa una kong tanong: Bakit nga konti lang ang “Happiness” book na Tagalog?Siguro dahil likas na masaya na ang mga Pilipino. Hindi nila kailangan ng tips at kung anu-ano pang paraan para sumaya kasi masaya na sila. Sa mga happiness survey, laging nasa listahan ang mga Pinoy sa pinaka masayang tao sa mundo. Kakagulat diba? Kung tutuusin ang daming dahilan para malungkot ka sa Pilipinas, pero kahit na pa ganun, masaya pa rin ang mga tao. Tuloy pa rin ang buhay. Ngiti pa rin kahit na kasing laki pa ni King Kong ang problema.
Pero hindi naman lahat tayo masaya. Meron pa ring iba na malungkot. Tanong tuloy nila, pano ba maging masaya? Nagtanong-tanong ako sa mga kaibigan, kakilala, ka-opisina at ka-Friendster ko. Ito ang ilan sa mga sagot:
1. Ngumiti pagkagising. Tumingin sa salamin at sabihing “Ang ganda/pogi mo”. Aminin man natin o hindi, importante sa atin ang itsura natin. Kahit na pa isang batya ng glutathione ang inumin mo basta magiging maganda lang ang resulta, gagawin mo. Sa totoo lang, di kailangan yun. “State of Mind” lang ang kagandahan o kapogi-an. Ang kailangan mo ay “Positive Affirmations”. Ito ang tawag pag lagi mong tinatanim sa isip mo ang mga magagandang bagay tungkol sayo. Pogi ako, mayaman ako, marami akong kaibigan, healthy ako, ilan lamang yan sa mga positive affirmations at pag lagi mong sinasabi sa sarili mo yan, nagkakatotoo.
2. Mag-reminisce paminsan minsan. Eto isa sa mga paborito kong gawin. Yung mag-reminisce. Kahit na ano pa ang mga pinagdaanan natin sa buhay, meron at meron pa ring masasayang chapter na ang sarap balik balikan. Yan ang kabutihan ng memory. Nagagawa nating I re-live yung mga masasayang bagay na yun at nagagawa nating maramdaman uli yung saya habang nangyayari ito. Subukan mong gawin 'to habang bata ka pa at wala ka pang Alzheimer’s disease. Makikita mo, sasaya ka.
3. Makipagkwentuhan ng walang humpay. Naranasan mo na bang makipagtelebabad ng mga limang oras o kaya telebababad na magdamagan? Ako naranasan ko na at aaminin ko, ang saya. Pero matagal na yun. Ngayon mas madalas yung kwentuhan kasama ang mga kabarkada. Lahat ng topic sa mundo pwede nyo pagkwentuhan. Hindi kasi natin napapansin, sa pakikipagkwentuhan, nadedevelop ang personal closeness natin sa mga taong kausap natin at ang resulta ay “feeling of belonging” - isang susi sa masayang buhay.
4. Manood ng Tagalog love story. Eto sigurado ako walang aamin na nanonood sila ng Tagalog love story. Sa tingin kasi ng iba, baduy daw. Pero aminin mo man o hindi, kinikilig ka din sa kabaduyan nina Sarah and John Lloyd, Kim and Gerald o kahit na pa Marvin and Jolina. Iba kasi ang timpla ng Tagalog love story, mas madali maka-relate, kumbaga, konek na konek. Paglabas mo ng sinehan, meron kang ngiti sa labi. Pag kasama mo pang nanood boyfriend o girlfriend mo, doble ang saya. Wag mo na lang ipagsabi sa iba na nanood ka, kundi tampulan ka ng alaska sa susunod na kwentuhan.
Marami pa kong ibang tips na nakuha. Siguro isusulat ko na lang sa susunod. Ikaw, meron ka bang kakaibang paraan para sumaya? Agree ka ba sa nakasulat sa taas? Post ka ng comment dito tutal libre naman.
Let me know your thoughts.
4 comments:
Akalain mo ikaw yan...hehehe! Wadap?
@ALiNE - yep ako 'to. hehe.
"hApPiNeSs sImPlY LiEs WiThIn YoU ... "
@lani - lalin nun a..pro i agree:)
Post a Comment