Sa panahon ngayon, di lang bawal magkasakit. Bawal din ang malungkot. Sa totoo lang, kung malulungkot ka pa, sa dinami dami ng problema sa mundo ngayon – nandyan na ang global warming, financial crisis, terrorism isama mo pa yung asungot mong ka-opisina na sobrang epal – ay masisiraan ka na ng bait. Mabuti na lang ang mga Pilipino, mababaw ang kaligayahan. Makita lang si Pokwang, matatawa na. Makatanggap lang ng Facebook comment, masaya na. Yun naman ang maganda, yung madali tayong tumawa, ngumiti at sumaya.Pero kahit marami sa atin, mababaw ang kaligayahan, meron pa rin tayong mga kaibigan na mala-Pasan ko ang Daigdig ang drama sa buhay. Pag nakakapanood sila ng Maalaala Mo Kaya, iyak ng iyak kasi pakiramdam nila sila yung bida. Api, malungkot, nag-iisa. Tanong nila, Paano ba maging Masaya?
Sa inyong lahat, heto pa ang mga kakaibang tips na nakuha ko. Maganda kung mabasa mo rin ang part 1 at part 2. Tingnan mo baka me mapulot ka sa mga ‘to:
9. Manood ng Wowowee. Nasubukan mo na bang manood ng show na ‘to ng milyonaryong si Willie Revillame? Maaaliw ka. Di dahil kay Willie kundi dahil sa mga ordinaryong tao na sumasali sa programang ito. Dito mo makikita na ang mga pinoy kahit sobrang hirap ng buhay at walang katiyakan kung me kakainin pa bukas ay makakasayaw pa rin ng “Lambada” sa gitna ng stage.
10. Mag-reunion kasama ang mga kaklase mo nung College / High School. Isa sa pinaka masayang kabanata ng ating buhay ay ang buhay estudyante. Kaya nga pag nagkasama-sama tayo ng mga kaibigan natin nung college o high school, parang bumabalik lahat ng masasayang alaala at andun uli tayo sa kabanata ng ating buhay na puro saya lang at walang kahit anong problema.
11. Matulog. Oo ganun kasimple. Matulog. Marami kasi sa atin ngayon, halos di nakukumpleto ang tulog sa magdamag. Lalo pa kung sa call center ka nagta-trabaho. Isa sa pinakamasayang bagay na gawin ay yung matulog ng mahabang mahaba at walang kahit anong iniisip. Yung tipong paggising mo di mo kailangan bumangon agad at meron ka pang pagkakataong magmuni-muni. Maglaan ka ng panahon para magawa ang bagay na ‘to – matulog. Tingnan mo, sasaya ka.
12. Magbigay ng testimonial sa ka-Friendster mo. Simpleng bagay pero maniwala ka, sa panahon ngayon na bihira na ang nagbibigay ng “meaningful message” sa isang kaibigan, ang simpleng Friendster testimonial ay makakapagbigay sa kanya ng ngiti. Ang sarap ng pakiramdam pag alam mong me napasaya kang tao. Ang resulta, ikaw din Masaya.
Meron ka rin bang mga kakaibang tips para sumaya? Wag mong sarilinin, share mo sa amin. Pasayahin natin ang mundo:)
0 comments:
Post a Comment